Barbie, kinumpirmang wala na sila ni Jak
MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng aktres na si Barbie Forteza na hiwalay na sila ng long-time boyfriend niyang si Jak Roberto matapos ang pitong taong relasyon.
Ipinost ng Pulang Araw actress ang mensahe niya para sa dating karelasyon kasama ang litrato nilang masaya at magkahawak-kamay.
“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.
“Your love was exceptional,” bahagi ng post niya.
Pero minsan daw kailangang matapos ng magagandang bagay para sa mas magandang mga bagay na darating.
“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.
“Beautiful goodbye, @jakroberto,” dagdag niya.
Nagpasalamat naman si Barbie sa pagmamahal na ibinigay sa kanya ng aktor. Excited daw siya para sa mga mangyayari para sa kanilang dalawa.
Sinabi rin nitong alagaan ng kapatid ni Sanya Lopez ang sarili at nawa’y mahanap nito ang pagmamahal na deserved niya.
“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve,” sey pa ni Barbie.
Sa huli ay nanawagan ito sa lahat na “I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”
Nagkaroon ng ispekulasyon ang mga netizen na break na sila nang mapansin nila na hindi magkasamang nagselebreyt ng Pasko ang dalawa na hindi gaya ng dati.
Nag-Pasko ang aktor kasama ang lola niya at iba pa nilang mga kamag-anak sa Bulacan. Habang si Barbie ay sa kanyang bagong bahay na tinawag niyang B Casa.
Nagkomento pa ang aktor sa post ni Barbie bago mag-Pasko tungkol sa kanyang bagong bahay at sinabing na-witness niya ang mga pinagdaanan nito at proud siya sa kanyang “mahal.”
Maaalalang maraming beses naintriga ang dalawa na hiwalay na pero nanatili silang matatag noon.
Iniintriga rin si Jak kung paano nito nakakayang hindi magselos lalo nang pumatok ang loveteam ng ex niya at ng aktor na si David Licauco kung saan nagkaroon ng maraming shippers ang dalawa. Kaya ginawa na lamang niyang katatawanan ang pangunguna sa Anti-Selos Club para ma-entertain ang kanyang fans.
Walang sinabi si Barbie sa dahilan ng hiwalayan nila at wala pa ring post si Jak habang sinusulat namin ito.
- Latest