^

Pang Movies

Heaven, nag-solo sa Europe

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Heaven, nag-solo sa Europe
Heaven Peralejo

Kahit alam na ng marami ang kanilang relasyon, it was only recently na kinumpirma nina Heaven Peralejo at Marco Gallo ang kanilang ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng kanilang magkahiwalay na Instagram account kung saan sila nagpalitan ng “I love you” na itinaon sa ika-25th birthday ng award-winning young actress.

Kasalukuyang on a European tour si Heaven (as her birthday gift sa sarili) minus Marco kaya idinaan na lamang sa Instagram ng Fil-Italian actor ang kanyang pagbati at pagmamahal sa kasintahan.

Sa loob pa lamang ng PBB house kung saan sila nagkasama nung 2016 ay magkakilala at magkaibigan na ang dalawa but it was only last year nang magkalapit sila nang sila’y pagsamahin sa The Rain in España TV series. Magmula noon ay halos inseparable na ang dalawa.

Si Heaven ay unang na-link kina Jimuel Pacquiao (anak ng boxing hero na si Manny Pacquiao) at Viva actor na si Kiko Estrada habang si Marco naman ang unang boyfriend ng unica hija ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana. Bago si Heaven ay naging girlfriend niya ang Fil-Am na si Rachel Hemphill.

Mara, kinasal na sa beach

Matapos ma-engage nung nakaraang July 28, 2024 in Austin, Texas, USA sina Mara Lopez at Chandler Booth, ang dalawa ay ikinasal sa isang beach wedding in Pangulasian Island Resort in El Nido, Palawan kamakailan lang.

The couple is based now in New York City, USA.

Ang award-winning actress na si Mara ay panganay sa dalawang anak ng dating beauty queen-turned actress na si Maria Isabel Lopez sa kanyang former husband na si Hiroshi Yokohama.

Masaya si Maria Isabel sa kanyang panganay na si Mara dahil nakatagpo ito ng isang mabait and responsible husband sa katauhan ni Chandler.

Kahit pareho nang nasa Amerika ang mag-inang Maria Isabel at Mara ay bukas pa rin umano silang tumanggap ng mga proyekto sa Pilipinas tulad ng pelikula at TV series.

Ji Soo, susunod kina Sandara?

Maka-take off kaya ang career sa Pilipinas ng K-drama actor na si Kim Ji-soo (31) ngayong isa na siya sa Sparkle talents ng GMA?

Si Ji Soo (palayaw ni Kim Ji-soo) ay napasama na sa dalawang nagtapos na serye ng GMA, ang Abot-Kamay na Pangarap at ang action-drama series na Black Rider at nakagawa na siya ng isang Filipino movie (with Korean touch) ang Mujigae with Alexa Ilacad sa loob lamang ng taong ito. Pero kailangan pa rin talaga makagawa ang Korean actor ng isang proyekto sa Pilipinas kung saan siya tatatak nang husto.  ‘Yung siya ang nasa lead character o ‘di kaya leading man.

Bukod kina Sandara Park, Ryan Bang, Grace Lee, si Ji Soo ang susunod na Korean national na inaasahang sisikat sa Pilipinas as he is in South Korea bago siya nagdesisyon na subukan ang kanyang career sa ating bansa.

 

 

HEAVEN PERALEJO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with