^

Punto Mo

Casual junket ­operator sa casino, timbog sa Indonesia! —Torre

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Binasag ni President Bongbong Marcos ang kanyang katahimikan sa mga patutsada ni VP Sara Duterte at tahasang sinabi na papalagan niya ito. Sumagot naman si VP Sara na papalagan din n’ya ang mga ginagawa sa kanya. Hak hak hak! Parang mga bata itong mga lider natin, ‘no mga kosa? Mukhang wala nang katapusan itong bangayan ng mga lider natin dahil sinabi ni Sara na dumating na siya sa ‘point of no return.” Tsk tsk tsk! Halos 26 days na lang ang Pasko kaya’t paano na lang ang mga pobreng Pinoy? Nanawagan na ang simbahan ng ceasefire, at maging si JPE, na inakusahan din na nasa likod ng power grab na “God Save the Queen.” Tatalab kaya?

• • • • • •

Ang buong akala ni Hector Aldwin Pantollana, magiging mariwasa ang buhay niya matapos tumakas sa abroad para iwasang magbayad ng milyones na nai-scam niya sa kapwa Pinoy! Nagkamali siya! Sa pamamagitan ng Interpol Red Notice, si Pantollana ay nasakote sa Gusti Ngurah Rai International Airport sa Bali, Indonesia. Pasakay siya ng eroplano papuntang Hong Kong. Hindi masaganang buhay ang tatamasahin ni Pantollana sa ngayon dahil tiyak habambuhay siya sa likod ng karsel dahil sa milyones na utang n’ya. Araguyyy!  Anong sey n’yo mga kosa?

Sinundo kahapon ng mga operatiba ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III si Pantollana sa Terminal 2 ng Soekarno Hatta International Airport sa Jakarta, Indonesia para ibiyahe pauwi sa Pinas kung saan mananagot siya sa mga kaso niya. Kasama ang abogado niyang si Atty. Ma. Antonia Pascual, dumating ang eroplano ni Pantollana sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City bandang 6:00 ng umaga.

Ayon kay Torre, si Pantollana ay sumailalim sa normal na proseso ng immigration, bago i-serve sa kanya ang sangrekwang arrest warrant na inisyu laban sa kanya sa kasong estafa. Kasama na rito ang inisyu ni Judge Rufus Malicdan Jr., ng RTC Baguio City kung saan no bail ang rekomendasyon laban sa kanya sa kasong syndicated estafa. Araguyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni Torre na si Pantollana, na nakatira sa B5 Sineguelas St., Molino III, Bacoor City, Cavite ay tinatawag na “casual junket” sa casino. Sa report kay Torre ni Lt. Col. Jose Joey Arandia, ng CIDG Anti-Organized Crime Unit, si Pantollana ay nagpapautang sa casino players, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa Baguio City.

Ang siste, ani Arandia, ang kapital ni Patollana ay inuutang din niya kung kani-kanino lang. Nagsimula ang negosyo na ito ni Pantollana noong 2014 at nagsara nitong 2022 dahil nalugi. Siyempre, umabot sa milyones ang utang niya kaya karamihan sa mga nabiktima niya ay nais mabawi ang pera nila. Natural!

Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa kuwento ni Pantollana kay Arandia, kaya niya nilisan ang Pinas ay dahil sa sangkaterbang death threat na natatanggap niya. Lumabas sa kanyang passport na paikut-ikot lang siya sa Asia at Middle East. Kaya naman tumagal siya sa Bali, Indonesia ay dahil mura ang cost of living doon.

Hindi naman nagtatago si Pantollana dahil ang orig niyang passport ang gamit niya kaya nahagip siya sa Indonesia dahil sa red notice ng Interpol. Kaya sa ngayon, si Pantollana ay nakakulong sa AOCU detention cell sa Camp Crame. Araguyyy! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito! Abangan!

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with