MANILA, Philippines - Idaraos ng Smart Communications, Inc. ang 5th MVP Olympics (MVPO), isang annual sports event na magtitipon sa 21 kompanya sa pangunguna ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan.
Higit-kumulang sa 2,500 empleyado ang lalahok sa MVP Olympics, naglalatag ng 26 events kaÂsama ang basketball, bowling at track and field. Pamamahalaan din ng MVP Olympics ang talent competitions kagaya ng Battle of the Bands, MVP Idol singing contest at isang cosplay competition.
Hinikayat din ng Smart ang aktibong partisipasyon ng mga top executives.
Ang mga aktibidad ay matatapos sa Marso 23 sa Meralco grounds.
“Smart is happy to host this year’s MVP Olympics, which is in line with our active support for sports activities which inspire our workforce and Filipinos to ‘Live More.’ We are optimistic that the MVPO activities will foster a spirit of camaraderie and promote wellness among employees,†sabi ni Charles Lim, ang Smart executive vice president at head of consumer wireless business at ang chairman ng MVPO ngayong taon.
Ang Smart ay may 20 employee clubs at sinuporÂtahan ang mga national athletes kagaya ng Gilas Pilipinas at Azkals.
Ang mga kumpanyang lalahok ngayong taon sa MVP Olympics ay ang Smart, Digitel Mobile PhiÂlippines, Inc. Metro Pacific Investments Corp., Metro Pacific Tollways, Delos Santos Medical Center, Mega Clinic, Central Luzon Doctors Hospital, Meralco, PLDT, ePLDT, Philex MiÂning, Outback Steakhouse, Our Lady of Lourdes Hospital, Riverside Medical Center-Bacolod, Makati Medical Center, Mediaquest, Maynilad, First Pacific Leadership Academy, SPi Global, Davao Doctors Hospital, Asian Hospital and Medical Center, at Cardinal Santos Medical Center.