ARLINGTON, Texas--Tatanggapin ni Paeng NeÂpoÂmuceno ang Gold level coaching certification at award sa gaganaping World Coaching conference sa United States Bowling Congress (USBC) general headquarters.
Si Nepomuceno ang kauna-unaÂhang gagawaran ng nasabing parangal sa Asia. Ang USBC Gold ang pinakamataas na cerÂtificaÂtion para sa coaches at isa lamang siya sa 25 aktibong coaches na may gaÂnitong designasyon.
“Paeng is one of the most respected competitors in the history of bowling and he continues to give back to the sport through coaching,†wika ni Neil Stremmel na USBC Managing Director. “He is committed to teaching coaches throughout the world and we’re pleased to have him join the elite rank of USBC Gold coaches.â€
Ang 57-anyos na si Nepomuceno na isa ring USBC International Ambassador for Bowling, ay kabilang ng USBC sa mahigit na pitong taon para mapalawig ang bowling at coaches. Nagsagawa na siya ng Level I, Bronze at Silver seminars sa iba’t-ibang bansa.
Bago naging coach, ang 6’2 kaliweteng bowler ay naging tanyag sa mundo dahil siya ang kauna-unahang bowler na nanalo ng World Cup sa apat na magkakaÂibang taon (1976, 1980, 1992 at 1996).
Napagwagian na rin niya ang World Invitational Tournament (1984) at World Tenpin Masters (1999).
Dahil sa kanyang mga napanalunan, itinalaga si Nepomuceno ng Bowlers Journal International bilang Greatest International Bowler of All Time sa Setyembre, 2003 issue.