MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang PhiÂÂlippine Taekwondo Association sa pagtuklas ng talento sa paglarga ng 2013 Smart National Age Group championships sa Nobyembre 16 at 17 sa Ninoy Aquino Stadium.
Nasa 1,500 jins, kaÂsaÂma ang mga edad apat na taong gulang, ang mag-aasinta ng panalo sa dalawang araw na torneo na suportado ng Smart Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco at Philippine Sports Commission (PSC).
Ang pagpasok ng mga batang jins ay ikinatuwa ni PTA CEO at organizing committee chairman Sung Chon Hong dahil makakatulong ito para lumakas ang kanilang grassroots development para sa mga panghinaharap na torneo tulad ng World Championships, Asian Games, SEA Games at Asian University Championships.
Ang mga dibisyong pagÂlalabanan ay sa Junior men at women (15-17), Cadet boys at girls (12-14), at Grade school boys at girls (11-years old pababa).
Ang torneong ito ay gagawin matapos ang maÂtagumpay na kampanya ng Pambansang atleta sa sa 8th World Poomsae Championships sa Bali, Indonesia nang manalo ang ipinanlaban ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang bronze medals.
Sa Nobyembre 17 ang opening ceremony sa ala-1 ng hapon at kasama rito ang pagpapakitang-gilas ng Philippine Taekwondo Demonstration Team.