LOS ANGELES--BiÂnaÂÂwian ng Lakers ang New Orleans Pelicans, 116-95, sa likod ng career-game ni Jordan Hill na nangyari noong Martes sa NBA.
Sa kanyang unang start sa season, si Hill ay tumugon bitbit ang career-high 21 puntos at 11 rebounds habang sina Nick Young at Pau Gasol ay nagbigay ng solidong suporta upang maisantabi ang 85-96 pagkatalo ng Lakers sa Pelicans noong Biyernes.
May 17 puntos si Young habang 14 points at 8 rebounds ang naihatid ni Gasol at ang Lakers ay nanalo sa ikalawang pagkakataon sa huling pitong laro.
Sina Jodie Meeks at Xavier Henry ay tumapos pa taglay ang tig-15 puntos at tinapos ng Los Angeles ang laban sa first half pa lamang nang makalayo sa 20 puntos tungo sa ika-12 panalo sa huling 13 laro laban sa Pelicans.
Sa Miami, gumawa ng 33 puntos si LeBron James para tulungan ang Heat sa 118-95 panalo sa Milwaukee Bucks.
May 15 puntos at pitong assists si Mario Chalmer, si Chris Bosh ay may 10 puntos habang 19 ang ibinigay ni Michael Beasley gaÂling sa bench at ang Heat ay nanalo sa ikalimang pagkaÂkataon matapos ang walong laban.
Sa Dallas, piÂnagÂningÂning ni Dirk Nowitzki ang 105-95 tagumpay ng MaÂvericks sa Washington WiÂzards nang agawin ang ika-16th puwesto sa NBA career scoring list.
May 19 puntos si NoÂwitzÂki para magkaroon ng 25,197 puntos at itulak sa 17th place si Jerry West na may 25,192 puntos.
Tumipa ng dalawang tres si Nowitzki sa ikatlong yugto at ang huling triple ang nag-angat sa kanya ng dalawang puntos kay West.