Donaire pabor kay Pacquiao vs Rios
MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, kinampihan ni daÂting unified worlds super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang kababayang si Manny Pacquiao laban kay Brandon “Bam Bam’ Rios.
Sa panayam ng BoÂxing News Online, sinabi ni Donaire na ang lakas at bilis ang siyang bentahe ng 34-anyos na si Pacquiao laban sa 27-anyos na si Rios.
“I think that Pacquiao is still too fast and strong,†sabi ng 30-anyos na si Donaire sa Filipino world eight-division champion. “Most likely Pacquiao will get the best out of Rios, who is a tough guy.â€
“If they end up pushing Pacquiao and being right there in front of him, that’s Rios’s game, but it depends on how Pacquiao fights,†dagdag pa ng Filipino world four-division titlist na nagmula sa ninth-round Technical Knockout (TKO) victory laban kay Vic ‘The Raging Bull’ Darchinyan sa kanilang rematch noong Linggo.
Kilala si Rios, dating world light welterweight king, na isang agresibong boksingero at hindi umuurong sa bawat laban.
Sinabi ni Donaire na ang sixth-round KO loss ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez sa kanilang ikaapat na pagkikita noong Disyembre 8, 2012 ang magtuturo ng leksyon sa Sarangani Congressman sa kanyang pagsagupa kay Rios.
“I think it will make him box more, knowing that he got hit, and he doesn’t want to get hit that way again. When he boxes, he’s better that way,†wika ni Donaire.
Nauna nang nagtungo si Rios sa Macau, China para sa kanilang non-title, welterweight fight ni Pacquiao sa Nobyembre 24 sa The Venetian.
- Latest
- Trending