^

PSN Opinyon

Chinese police sa Solomon Islands; $19 bilyon kapalpakan sa Ecuador

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Chinese police sa Solomon Islands; $19 bilyon kapalpakan sa Ecuador

NAGING Prime Minister ng Solomon Island si pro-Beijing Jeremiah Manele nu’ng April 2024. Tinalo niya si kapwa pro-Beijing na dating PM Manasseh Sogavare.

Sa ilalim ni Sogavare, biglang pinutol ng Solomon ang pagkilala sa Taiwan. Sa halip, sinanto niya ang Communist China, na trato sa Taiwan ay probinsiya lang.

Foreign minister si Manele ni Sogavare nu’ng 2019. Taon 2022 nagpirmahan ang Solomon at China ng sikretong Defense and Security Pact. Batay sa tratado, nagtalaga ang China ng isang kompanya ng pulis sa Solomon. Su­su­nod na ru’n ang base militar ng mga pandigmang barko ng China.

Nag-aalala ang mga kapitbansang Australia, New Zealand at United States sa biglang saludo ng Solomon sa China. Banta raw ito sa seguridad nila.

Maka-China rin si dating Ecuador president Rafael Correa. Nu’ng 2016 umutang siya sa China ng $19 bilyon para sa mga tulay, irigasyon at dams. Pinakamalaki ru’n ang Coca Codo Sinclair hydroelectric dam. Paspasang itinayo ito sa tabi ng aktibong Reventador volcano. Unang malaking pakulo ito ni China president Xi Jinping sa South America.

Isang linggo bago dumating si Xi Jinping para sa inau­guration, nag-test run ang proyekto. Pag-andar ng hydro­electric plant, nayanig ang dam. Libu-libong crack ang nang­yari sa konkreto. Nawalan ng kuryente ang kalahati ng bansa.

Hindi na dumating si Xi Jinping. Tumalilis naman si Correa sa ibang bansa. Tinutugis siya ng Ecuador sa salang katiwalian.

‘Yan ang sinasapit ng mga nahuhumaling sa Communist China.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

TAIWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with