^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itigil, pagpapadala ng OFWs sa Kuwait

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itigil, pagpapadala ng OFWs sa Kuwait

Tinatayang 215,000 ang Overseas Filipino Workers­ sa Kuwait at 60 percent ng mga ito ay nagta­tra­baho bilang domestic workers. Ang Kuwait ang ika­anim na bansa na hantungan ng mga Pilipino para magtrabaho. Malaki ang naiaambag ng mga OFWs sa Kuwait sa ekonomiya ng bansa dahil sa dollar remittances. Tinatayang mahigit $100 milyon bawat taon ang remittances ng OFWs mula sa Kuwait. Malaking tulong para umusad ang kabuhayan ng bansa.

Subalit ang pagtatrabaho sa Kuwait ay masyadong delikado at maituturing na ang kalahati ng katawan ay nasa hukay. Napatunayan ito dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga Pinay domestic workers sa na­sa­­bing bansa. Mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, ginu­lantang ang Pilipinas sa mga karumal-dumal na pagpatay kung saan pawang Pinay workers ang biktima.

Nagkasundo ang Pilipinas at Kuwait sa proteksiyong ipagkakaloob sa OFWs. Nagkaroon ng paglagda na pangangalagaan ng Kuwait ang karapatan ng OFWs particular na ang domestic workers.

Subalit ang kasunduan ay hindi natupad ng Kuwait. Nagpatuloy ang mga karumal-dumal na pagpatay na ang pinakabago ay ang ginawa kay Dafnie Nacalaban na ang bangkay ay natagpuan sa bakuran ng isang bahay noong Enero 2.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, dalawang buwan nang nawawala si Dafnie nang matagpuan ang bangkay. Ang itinuturong pumatay ay si Jarrah Jassem Abdul­ghani, amo ni Dafnie. Hawak na umano ng Kuwait police ang sus­pect. Nanilbihang household worker si Dafnie no­ong Disyembre 2019.

Sumunod na namatay sa Kuwait ay ang Pinay na si Jenny Alvarado na namatay dahil nakalanghap ng usok mula sa uling na ginagamit sa pinagtatrabahuhan­. Ang nakahihindik, nang ipadala ang bangkay ni Jenny noong nakaraang linggo, maling bangkay ang naipadala—sa kasamahang Nepalese na namatay din sa suffocation­. Nakarating na ang tamang bangkay ni Jenny noong Sabado. Sabi ni Cacdac, paiimbestigahan ang pagka­kamali sa pagpapadala ng bangkay ni Jenny.

Ang dalawang magkasunod na pangyayari ang naging dahilan para pag-aralan ng DMW ang pagbabawal sa pagpapadala ng OFWs sa Kuwait. Sabi ni Cacdac, ipinagbigay-alam na niya kay President Ferdi­nand Marcos Jr. ang mga nangyari at ang mungkahi niyang deployment ban sa Kuwait.

Noon pa, marami nang panukala na itigil nang tuluyan ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait subalit hindi umaaksiyon ang pamahalaan. Marami nang ka­rumal-dumal na nangyari sa Pinay workers subalit hindi mapahinuhod ang gobyerno. Nanghihinayang sa kiki­taing dollar ng OFWs. Ngayon, sa nangyaring pagpatay kay Dafnie, magpapatuloy pa kaya sa pagpapadala ng workers sa Kuwait?

WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with