‘Gibaan’ sa PNP, binura ng pag-extend kay Marbil!
Binura ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang matandang kalakaran na “gibaan” sa hanay ng Philippine National Police nang ibando n’ya na mai-extend ang termino ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
Malapit na ang retirement age ni Marbil sa Pebrero at magandang timing itong binitiwang salita ni Remulla dahil wala namang na-monitor ang mga kosa ko na gibaan sa mga kandidato na papalit sa una. Eh di wow!
Matatandaan na tuwing malapit na ang retirement age ng incumbent PNP chief, abayyyyy kanya-kanyang palabas ng PR ang mga kandidato at kadalasan ginigiba pa ang imahe ng mga kalaban. Mismooo!
Kaya lang may catch naman ang tinuran ni Remulla. Ang sabi n’ya, nasa kamay ni President Bongbong Marcos ang huling desisyon tungkol sa uupong PNP chief. Kaya puwede pa mapalitan si Marbil? Abayyy si BBM ang dapat tanungin natin d’yan.
Ang sinisiguro ko lang, hanggang sa oras ng pagretiro ni Marbil sa Pebrero 6, walang gibaan sa PNP at dapat palakpakan ng mga Pinoy itong desisyon ni Remulla. Hehehe! Wais talaga itong si Remulla, no mga kosa?
Pero, ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, ang maugong na papalit sana kay Marbil kung hindi siya ma-extend ay si CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III, ang conqueror ni Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy.
Totoo kaya ang kumakalat na balita na may inutusan si BBM na kapag nag-forward ng list of candidates for PNP chief sa kanya ay isama ang pangalan ni Torre? Araguyyyyy!
Ang pamato naman ng PMAyers ay si Lt. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Kaya lang matapos siyang ma-promote bilang Deputy Chief for Administration (DCA) o No. 2 man ng PNP, humupa ang ugong na siya na ang papalit kay Marbil.
Lalong nabawasan ang kinang ng pangalan ni Nartatez matapos sumulpot-dili ang pangalan ng main benefactor niya na si Presidential sister Sen. Imee Marcos-Manotoc sa top 12 ng senatoriables sa darating na midterm election. Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito!
Hindi naman pahuhuli si Lt. Gen. Edgar Allan Okubo, ang The Chief of Directorial Staff o No. 4 man ng PNP. Tuwing may pilian ng PNP chief, palaging kandidato isi Okubo, na member ng PNPA Class ’92. Bagyo rin ang padrino ni Okubo, ‘no mga kosa? Ano sa tingin mo Executive Secretary Lucas Bersamin Sir?
Humahabol din sana si NCRPO chief Brig. Gen. Anthony Aberin kaya lang giba ang pangalan niya sa pananalasa ng tong collectors ng Bicutan. Malaking sayang, ‘no mga kosa? Teka, teka, may tsansa pa kaya ang masabi ni Dipuga na darkhorses na sina Maj. Gen’s. Leo Francisco at Ronald Lee? Dipugaaa!
Ayon kay Remulla, kaya mai-extend ang termino ni Marbil ay dahil sa May elections. Pero kahit sino sa mga senior officers ay puwedeng patakbuhin ang PNP sa panahon ng elections dahil naka-inplace naman ang template d’yan, di ba mga kosa?
Baka naman may relasyon sa bangayan ng kampo nina BBM at Tatay Digong ang pag-extend kay Marbil. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Abangan!
- Latest