Sugalan ni Zyvil wasakin na!
Kahapon naglibot ako sa Aklan at Capiz kung saan sinelebra ang kapistahan ni Santo Niño. Sa paglilibot nakita ko ang posters nina Abby “Better” Binay at Christopher “Bong” Go. Ang dalawa ay kandidatong senador sa darating na May elections. Hindi matatawaran ang natulungan ng dalawang ito.
Katulad na lamang sa libreng edukasyon na sinusuportahan ni Abby “Better” Binay. Maliwanag ang kinabukasan kay Abby “Better” Binay.
Si Bong Go naman ay may libreng gamot at gamutan sa kanyang programa na “Serbisyo ang Bisyo ni Bong Go”. Nakasisiguro kay Bong Go.
Kaya kung gaganapin ang eleksiyon ngayon tiyak ko, panalo na ang dalawang ito.
* * *
Samantala, nakatanggap ako ng reklamo tungkol sa ‘kangaroo style’ ng mga sugalan sa Makati City na ang promoter ay si Zyvil.
Alam ko ayaw ni Abby “Better” Binay ng mga sugalan kaya dapat tugisin ng kapulisan ng Makati ang sinasabing ilegal na negosyo ni Zyvil.
Kung hindi pa alam ng Makati police, si Syvil ang middleman-kabo ng financier na si Tisay Poblete ng Maynila.
Super bagyo umano ang dating ni Syvil sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Para mapadali ang pagtumbok kay Syvil, narito ang tips ko:
Ang kubrador ni Syvil ay ang security guard na si alyas “Flores”, na ang sakop ay ang tatlong building sa Makati Avenue. Ang base ni Flores ay ang sari-sari store na katabi ng Wendy’s.
Kung talagang tatrabahuhin ito ng Makati police, madali para sa kanila dahil pamilyar sila sa kanilang teritoryo.
Makarating sana ito kay Abby “Better” Binay para madurog na si Syvil at wala nang magumon sa sugal.
Abangan!
- Latest