^

PSN Opinyon

Paglabo ng mga mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Bawat isa ay maaaring magkaroon ng problema sa mga mata. Maaaring lumabo ang mga ito. Ito ay dahil nababago ang lens ng mata. Maaring ang paggamit ng salamin ang solusyon. Ngunit ang paglabo ng mga mata ay maaaring­ senyales ng glaucoma, isang seryosong kondisyon kung saan tumataas ang presyon sa loob ng mata. Dapat mag­patingin sa doktor sa mata.

Ang iba pang seryosong sakit sa mata ay ang retinal­ detachment, diabetic retinopathy, at maging ang stroke o tumor sa utak. Ang linaw ng paningin ay kinokontrol hindi lamang ng mga structure ng eyeball (cornea, lens, retina at optic nerve) kundi pati na rin sa mga lugar ng utak kung saan matatagpuan ang mga sentro ng mata ng utak (nasa likod ng ulo).

Kaya mula sa mata hanggang sa utak, maaaring maging­ sanhi ng mga problema sa paningin. Iyon ang dahilan kung bakit pinakamabuting kumunsulta muna sa isang espes­yalista sa mata.

MATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with