^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Sex education sa school, pagtuunan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Sex education sa school, pagtuunan

NOONG nakaraang taon, sunud-sunod ang mga ­balita sa mga natagpuang bagong silang na sanggol na iniwan sa tabi ng basurahan, kulungan ng manok at sa comfort room ng mga pampublikong lugar. May mga sanggol na hindi pa napuputol ang pusod na halatang kasisilang pa lang. Mayroong natagpuan sa harap ng gate ng bahay. Maayos naman ang ­kalagayan ng mga sanggol na inabandona dahil dinala agad sa ospital ng mga may mabubuting puso. Pagkaraang masiguro na ligtas na ang bata, ipinagkaloob na ang mga ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang DSWD ang may lubos na kapangyarihan sa mga sanggol na inabandona.

Ang kasuklam-suklam ay ang mga ina-abort ang nasa sinapupunan at ang fetus ay itatapon sa basurahan. Lubhang nakaririmarim na maituturing na ga­waing kriminal sapagkat may buhay na ang ini-abort.

Gaya ng nangyari noong Setyembre 9, 2021 nang matagpuan ng isang basurero ang isang fetus sa P. Noval St., Sampaloc, Maynila. Ayon sa basurero, payapa siyang naghahalungkat ng basura ng umagang iyon nang mapansin niya ang isang ecobag na nakapatong sa iba pang basura. Sa pag-aakalang may mahalagang laman ang bag, dali-dali itong binuksan ng basurero. Nang mabuksan, ganoon na lamang ang pagkagimbal ng basurero sapagkat isang fetus ang nasa loob ng bag.

Ipinagbigay-alam ng basurero ang nakitang fetus sa kapitan ng barangay at sa tulong ng CCTV sa lugar ay natagpuan ang babaing nagtapon ng fetus sa basurahan. Agad inaresto ang babae subalit nang tinatanong na ng barangay ay hinimatay ito. Dinala sa ospital ang babae. Nang magkamalay, inamin ng babae sa mga pulis na siya nga ang ina ng fetus. Ipinagharap siya ng sumbong.

Marami pang itinatapong fetus na ang iba ay iniiwan sa comfort room ng NAIA at sa CR ng shopping malls. May mga natatagpuan ding fetus na basta iniwan sa bangketa at mayroon din naman sa dyipni, bus at taxi.

Ang mga pangyayaring ito ay naikokonek naman sa teenage pregnancies. May mga nabubuntis nang maaga. At para malunasan ang problema, ipinaa-abort ang dinadala. May mga nabibingit sa panganib dahil sa pagpapalaglag.  

Ang balitang ganito ay nauugnay naman sa mainit na isyu ng sexuality education na isinusulong na ituro sa mga estudyante. Pabor naman si President Ferdinand Marcos Jr. na maituro ang sexuality education sa mga paaralan. Sabi ng Presidente, maraming kaso ng ­teenage pregnancy at napapanahong maituro sa paaralan.

Walang masama kung ituro ang sex education sa paaralan. Dapat matuto ang kabataan para maiwasan ang maagang pagbubuntis at hindi mapabilang sa mga dalagang ina. Mahalaga rin ito para makaiwas sa mga sakit na dulot ng pakikipagtalik.

EDUCATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with