^

PSN Opinyon

Epekto ng katiwalian sa karaniwang tao

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DIREKTANG sinisira ng katiwalian ang buhay at ari-arian natin.

Ninanakaw ng mambabatas ang daan-daang bilyong pondo kontra baha. Resulta: kaunting ulan lang, lubog na ang ating bahay. Wasak ang mga appliances, muwebles, damit. Pati photo albums—matagal na inipong alaala—nag­lalaho. Lubog din ang mga tindahan, bukirin, opisina. Gimbal ang kabuhayan.

Kumi-kickback ang burokrata sa kontrata ng mga ahensya. Halimbawa, bilyon-bilyong pisong pambili ng tinapay at gatas para sa mag-aaral. Inulat ng COA na panis ang tinapay at gatas sa sampu ng 17 rehiyon nung 2023. Pero tinanggap at binayaran pa rin ng DepEd. Kung kinain ito ng mga bata, e di nasira ang mga tiyan nila, at baka naospital pa. Kung hindi nila kinain e di nagutom sila. Sala sa init, sala sa lamig.

Tinangay ng gobyerno ang P90 bilyon pera natin sa PhilHealth para dapat ito sa dagdag benepisyo. Ehemplo: lib­reng x-ray at blood tests para maaga matuklasan at malunasan ang sakit. Pero ang nangyayari ay pampa-ospital lang ang tulong ng PhilHealth—kapos pa.

Nangangamatay ang mga Pilipino sa dengue, diabetes, stroke, atake sa puso, at cancer.

Nabibili ang hustisya. Kinakatigan ng korte ang mayaman at makapangyarihan. Walang laban ang maliit at maralita. Ku’ng umalsa siya ay ikukulong ng pulis.

Pati pulis at bumbero ay tiwali. Nababaluktok ng pera ang imbestigasyon. Pera rin muna bago bombahin ng bumbero ang katabing bahay ng nasusunog.

Tandaan sana ng botante ang mga ito. Huwag humalal ng tiwali na magpupuwesto ng kapwa niya tiwali. Huwag tatanggap ng pera kapalit ang boto. Kasi ang bumibili ng boto ay tiyak na magnanakaw.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

KORUPSYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with