ALAM n’yo bang bumili ng sampung lote ang isang senador?
Ayon sa aking bubwit, habang kainitan noon ang kontrobersiya tungkol sa P1.6 million na Christmas gift sa mga senador, itong si Mr. Senator ay bumili naman ng sampung magkakatabing lote.
Wow, ang mga lote ay binili sa United Parañaque Subdivision, Parañaque City.
Ito kaya ay nakadeklara ngayon sa kanyang Statement of Assets and Liabilities (SALN).
Pero alam n’yo bang mahilig pala sa Feng Shui si Senator?
Ayon sa aking bubwit, bago binili ni senator ang sampung lote, ito pala ay ipina-Feng Shui muna sa isang expert.
Nang maganda ang resulta ng Feng Shui, binili kaagad ni senator ang mga lote.
Kung magkano lahat ang bili ni Sir sa sampung lote, ’yan ay inaalam pa ng aking bubwit.
Ang senador na bumili ng sampung lote sa Parañaque City ay may maamong mukha, mukhang hindi makabasag pinggan ay walang iba kundi si…
Senator P. as in Playboy.