^

PM Sports

Choco Mucho didiretso sa ika-2 panalo vs Capital1

Russell Cadayona - Pang-masa
Choco Mucho didiretso sa ika-2 panalo vs Capital1
Kat Tolentino.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ang ikalawang sunod na panalo ang hangad ng Choco Mucho sa pagsa­gu­pa sa Capital1 Solar Ener­gy sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Con­fe­­rence.

Lalabanan ng Flying Ti­tans ang Solar Spikers nga­yong alas-6:30 ng ga­bi matapos ang banggaan ng Chery Tiggo at Cig­nal HD sa alas-4 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Magkasosyo sa lidera­to ang PLDT at Akari sa magkatulad nilang 2-0 record kasunod ang nag­dedepensang Creamline (1-0), Cignal (1-0), Che­ry Tiggo (1-0), ZUS Coffee (1-1), Petro Gazz (1-1), Choco Mucho (1-1), Capital1 (0-1), Farm Fresh (0-1), Nxled (0-2) at Galeries Tower (0-3).

Umiskor ang Flying Ti­tans sa 27-29, 25-20, 25-19, 17-25, 15-12 pa­na­lo sa Highrisers matapos sumuko sa Gazz Angels, 20-25, 28-26, 21-25, 16-25, sa pagbubukas ng tor­neo.

Bumida si Kat Tolentino sa kanyang itinalang 27 points mula sa 20 attacks at pitong blocks bukod sa 10 excellent digs.

“Sabi ko nga sa mga players ko, ang sasandalan talaga namin ay ‘yung blocking namin. Kung ano pa ‘yung kailangan naming i-improve, pasen­siya lang,” wika ni coach Dante Alinsunurin.

Nakalasap naman ang Solar Spikers ng 25-20, 23-25, 25-22, 18-25, 11-15 kabiguan sa Crossovers sa una nilang laban.

Bukod kina Tolentino at Pecaña ay muli ring aasahan ng Choco Mucho sina Sisi Rondina, Dindin Santiago-Manabat, Cherry Nunag at Mars Alba.

 Itatapat ng Capital1 sina Leila Cruz, Iris Tole­nada, Jorelle Singh, Des Cle­mente at Roma Mae Do­romal.

Samantala, ipaparada ng Cignal si veteran libe­ro Buding Duremdes sa pagharap sa Chery Tiggo.

Nagmula ang 5-foot-2 na si Duremdes sa Crossovers simula noong 2020 kung saan siya hinirang na 2022 Reinforced Conference Best Libero.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with