Phillip Salvador iniintriga sa pagsubok uli sa pulitika

MANILA, Philippines - Tinanggap ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando si Phillip Salvador bilang karibal sa pulitika.  Career move ‘yun ni Ipe at walang makakapigil sa kanya na tumakbo this coming 2016 election.

Kung na-disqualified si Ipe in 2013 election due to his residency kung saan tinapatan niya ang nakaupong bise gobernador na si Daniel, tuloy ang pakikipagtunggali niya sa darating na eleksyon sa Mayo.

Siyempre, ‘di maiiwasan na magkaroon ng mga samu’t saring intriga. Bakit nga naman kailangang kalabanin ni Ipe ang kapwa niya artista? ‘Yun ang pangunahing tanong ng mga mamamayang nang-uusisa.

Pangalawa, last term o 3rd term na ni Daniel bilang bise gob at sana raw ay patapusin na ito ni Ipe o kundi na mapigil ni Ipe ang pagpasok sa pulitika, ibang posisyon na lang daw sana.

Maayos ang pamamalakad ni Vice Gov. Daniel sa Bulacan at nakakatanggap pa nga ang dating actor ng mga papuri kaya binansagan itong 2015 Outstanding Local Legislator sa ikalawang pagkakataon kung saan kasabay na pinarangalan din si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Habang nag-iikot sa bawat bayan ng Bulacan, nagkatagpo sina Daniel at Ipe sa isang simbahan. Prior to what people says or comments sa bawat isa sa kanila, nagbatian naman sila at kapwa ipinakita nila ang kanilang pagiging maginoo.

Kris napagkamalang asawa ni Herbert!

Happy Fiesta! At syempre, sa ganitong okasyon may kanya-kanyang isinusulong na proyekto ang mga nasa puwesto at gustong lumugar sa pulitika. Kaya sa pamumuno ni Kapitan Rolan Quitorio ng Barangay Sangandaan, Project 8, GSIS Village, Q.C. ay nag-anyaya sila sa iba’t ibang eskwelahan sa Kyusi para sa ika-apat na Larga Imaculada, Invitational Drum & Lyre Competition.

Isa sa panauhin at laging sumusuporta sa mga proyekto ng nabanggit na barangay ay si Tates Gana, ina ng dalawang anak ni Mayor Herbert Bautista, at tumatakbo ngayong konsehal ng 6th district sa Q.C.

Dahil paulit-ulit na inaanunsyo na si Tates ay dating maybahay ni mayor Herbert, may dalawang magulang ng participants na nagtalo, dinig na dinig namin: “Hindi ba’t si Kris Aquino ang asawa ni mayor Herbert?” sabi. Sagot naman ng isa, “E, bakit itong si Tates ang sinasabing asawa?”

Natawa na lang kami sa aming pagkakatayo habang nanonood ng kumpetisyon. Hmmp. Secret, ‘di ko sasabihin kung “patola” ako sa dalawa naming katabi, hehehe.

Congratulations…

Champion ang The Villagers ng GSIS Elementary School, Best in Majorette, Best in Colour Quard; 1st runner-up naman ang Cubao Elem. School, 2nd ang Benigno Aquino III Elem. School, at 3rd ang Commonwealth Elem. School.

                                      

Show comments