^

Dr. Love

Dahil sa motor

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mas inuna ko pa raw ang motor kaysa sa pang tuition ng anak ko. ‘Yan ang kinukulit ng misis ko. Sinabihan ko na siya na inuna ko ‘yung motor para may pang hatid-sundo ako sa mga anak namin. Alam ko naman na wala ako ngayong kakayahan umangal dahil si misis ang kumikita at may budget dahil ako ay pa-sideline-sideline na lang.

Mainam din, kasi naiinip ako sa bahay  at pwede akong mag-book ng mga pasahero sa maghapon kapag wala akong tanggap na electrical repair.  Nakakamis lang noong kumkita pa ako sa abroad.

Ngayon, hindi ko na magawa ‘yung mga luho ko. Pati nga itong motor pinagtatalunan pa namin.  After 5 years sa abroad ,pag-uwi ko rito sa Pinas hindi na ako nakapagtrabaho ng maayos. Kaya napilitan na akong maghanap ng kung ano ang pwede kong magawa o ma-repair na mga gamit.

Ernie

Dear Ernie,

Naiintindihan ko ang sitwasyon mo, at mukhang dala ito ng pagkakaiba ng pa-nanaw ninyong mag-asawa tungkol sa mga prayoridad at pangangailangan. Natural lang na magkaroon ng tensyon, lalo na’t parehong mahalaga ang edukasyon ng mga anak at ang praktikalidad ng pagkakaroon ng motor para sa pang-araw-araw na buhay.

Ipaliwanag mo na hindi mo nililimutan ang responsibilidad mo sa tuition ng mga anak, at ang motor ay isang paraan para maging mas epektibo ka sa pagganap sa mga tungkulin. Pwede mo ring sabihin na ito ay isang hakbang para mas makatulong ka sa pamilya.

Ang mahalaga, maipakita mo kay misis na handa kang makinig, mag-adjust, at magbigay ng solusyon para sa ikabubuti ng inyong pamilya. Hindi madali ang buhay, pero sa pagtutulungan ninyo, makakahanap din kayo ng tamang balanse.

DR. LOVE

MOTORCYCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with