^

Dr. Love

Nasira sa "Marites"

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa tawag na Moira, 21 anyos at isang full scholar sa isang uniber-sidad sa kursong mass communication. 

May itsura ako bukod sa matalino kaya marahil marami ang naiinggit at naninira sa akin. 

Napagkakamalan din akong isnabera at suplada dahil pag-aaral ang inaasikaso ko at ayaw kong makisalamuha sa iba. 

Hindi ko na ito pinapansin pero umabot na sa kasukdulan nang kumalat ang balitang isa akong call girl. Hindi ko alam kung saan nagmula ang balitang ito. 

Kinausap na ako ng aming dean at matapos kong magpaliwanag, sabi niya na ako ang pinaniniwalaan niya. 

Hindi rin daw naniniwala ang buong faculty ng unibersidad at nangako na aalamin nila ang pinagmulan ng tsismis. Maski papaano ay apektado ang pag-iisip ko. 

Ano ang dapat kong gawin? 

Moira 

Dear Moira, 

Totoong mahirap ang situwasyon mo lalo na at hindi mo alam kung sino ang nagkakalat ng maling tsismis tungkol sa iyo. 

Tutal, hindi naman pinaniniwalaan ng mga school officials ang tsismis, tutok ka na lang sa pag-aaral at huwag hayaang maapektuhan ang pag-aaral mo dahil scholar ka pa naman. 

Magbago ka rin ng ugali at maski papaano ay makisalamuha ka sa ibang students para huwag mapagkamalang supladita. 

Baka iyan ang dahilan kung bakit may mga naiinis sa iyo. 

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with