Malacañang nabahala sa ‘monster ship’ ng China
MANILA, Philippines — Nababahala ang Malakanyang sa patuloy na pananatili ng “monster ship” ng China Coast Guards sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na ang presensya ng monster ship sa karagatan ng Pilipinas ay “matter of projection” at nag-aalala sila tungkol dito.
Sa ngayon ayon kay Bersamin, ay hinahamon nila ang presensya ng monster ship na pasulput-sulpot sa ating EEZ sa pamamagitan ng ating Coast Guard na laging nakaalerto.
Bagama’t may counter-challenge naman aniya ang China Coast Guard ay epektibo rin ito at walang confrontational na nangyayari.
Nilinaw naman ng Kalihim na mayroon pang mas mataas na mekanismo na ginagawa ang pamahalaan para iparating sa China na nasa loob sila ng EEZ ng bansa at ito ay ang paghahain ng protesta, demarching at ang permanent appratus na vice ministerial level.
Lagi rin aniyang nag-uusap ang Beijing at Pilipinas para mag-host ng vice ministerial level conference na isang tugon para sa peaceful settlement sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS) na siyang nakakasakop sa ating maritime domain, EEZ at ang ating territorial sea.
- Latest