Pinas mas matatag sa 2025
MANILA, Philippines — Hindi dapat maging kampante ang pamahalaan sa pagtutok sa pagpapalakas ng ekonomiya ngayong taon.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pakikipagpulong sa economic managers kung saan napagdesisyunan din nila na papasok ang Pilipinas ngayong 2025 na mas matatag kumpara noong nakaraang taon.
Subalit giit ng Pangulo, hindi dapat magpakampante dahil patuloy pa rin ang mga panganib na maaaring magdulot ng pagtaas ng inflation, at pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin dahil na rin sa ibat ibang dahilan kaya mas mainam na maging laging handa.
“It’s always good to be prepared,” sabi pa ni Marcos.
Sa kabila nito, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. na nakikita na ng bansa ang mga bunga ng ating pagsusumikap sa pagpapababa ng inflation na 2-4%.
Dahil sa pagbaba ng inflation, nakapagsimula na ang BSP na bawasan ang kanilang policy rate, na binawasan ng tatlong beses noong nakaraang taon ng kabuuang 75 basis points.
Kaya pangako naman ng BSP na patuloy nilang tututukan ang pagpapanatili ng price stability na magsusustento ng balanse at sustainable na paglago ng ekonomiya at trabaho.
- Latest