^

PSN Palaro

Huling duwelo ng TNT at Ginebra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Huling duwelo ng TNT at Ginebra
Magtutuos sa huling pagkakataon sina import Rondae Hollis-Jefferson ng TNT at Justin Brownlee ng Ginebra.
PBA Image

Para sa korona

MANILA, Philippines — Wala nang lugar ang mga istatistika, pagrereklamo at pag-iinarte dahil puso na ang ma­ngi­ngibabaw sa agawan ng magkaribal na TNT Tropang Giga at Barangay Ginebra para sa korona.

Maghaharap ang Tropang Gi­ga at Gin Kings sa huling pagkakataon ngayong alas-7:30 ng gabi sa Game Seven ng Season 49 Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Itinabla ng TNT sa 3-3 ang kanilang best-of-seven championship series ng Ginebra matapos agawin ang 87-83 panalo sa Game Six noong Miyerkules.

Puntirya ng Tropang Giga ang ika-11 titulo habang ang pang-16 kampeonato ang target ng Gin Kings na huling naghari noong 2023 PBA Commissioner’s Cup kontra sa guest team Bay Area Dragons.

Tinalo ng TNT ang Gi­nebra sa dalawang sunod nilang finals showdown sa Season 48 at 49 PBA Go­vernors Cup sa parehong 4-2 pagtatapos.

Bukod kina PBA Best Import Rondae Hollis-Jefferson, Rey Nambatac, Calvin Oftana at Roger Pogoy ay nakahugot din ng kontribusyon si coach Chot Reyes kay Poy Erram sa pagresbak ng Tropang Giga sa Gin Kings.

“Kailangan kong bumawi. Kailangan naming manalo kasi ayaw naming ganito lang matapos ‘yung series,” sabi ng 6-foot-8 na si Erram na umiskor ng 10 points sa fourth period.

Samantala, aminado si Ginebra mentor Tim Cone na mahirap maghanda sa isang laro matapos matalo.

“Tough to prepare for, especially when you come off a loss,” ani Cone.

Maglalaro pa rin si Gin Kings import Justin Brownlee sa kabila ng kanyang dislocated right thumb na mapapansing iniinda ng 38-anyos na American reinforcement simula noong Game Four.

At kailangan niya ng suporta nina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Maverick Ahanmisi at RJ Abarrientos para mabawian ang Tropang Giga.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with