Heat pinahiya si Butler

MIAMI — Umiskor si Bam Adebayo ng 27 points at may 20 markers si Tyler Herro sa 112-86 pagsunog ng Heat sa Golden State Warriors at diniskaril ang pagbabalik ni Jimmy Butler.
May 18 points si Alec Burks para sa Miami (31-41) na kumonekta ng 17 three-point shots para sa kanilang two-game winning run.
Tumapos si Butler na may 11 points para sa Golden State (41-31) sa kanyang pagbabalik sa Miami matapos ang trade noong Pebrero kapalit ni Andrew Wiggins.
Nagdagdag si Jonathan Kuminga ng 15 points at may 14 at 13 markers sina Brandin Podziemski at Gui Santos, ayon sa pagkakasunod.
Naglaro ang Warriors na wala si Stephen Curry sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa kanyang pelvic contusion.
Itinayo ng Heat ang 78-60 bentahe sa third quarter patungo sa kanilang panalo.
Sa Sacramento, nagsalpak si Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points sa 121-105 paggiba ng Oklahoma City Thunder (60-12) sa Kings (35-37).
Sa New York, humakot si Karl-Anthony Towns ng triple-double na 26 points, 12 rebounds at 11 assists sa 128-113 dominasyon ng Knicks (45-26) sa Dallas Mavericks (35-38).
Sa Houston, kumolekta si Fil-Am guard Jalen Green ng 32 points at humatak ng 11 rebounds sa 121-114 pagtusta ng Rockets (47-26) sa Atlanta Hawks (35-37).
- Latest