^

PSN Palaro

Jumper ni Booker nagpanalo sa Suns

Pilipino Star Ngayon
Jumper ni Booker nagpanalo sa Suns
Devin Booker of the Phoenix Suns.
Christian Petersen / Getty Images / AFP

PHOENIX — Isinalpak ni Devin Booker ang isang mid-range jumper sa huling 2.4 segundo para sa 108-106 paglusot ng Suns kontra sa Milwaukee Bucks.

Tumapos si Booker na may 19 points habang umiskor si Kevin Durant ng 38 markers para sa Phoenix (35-37) na nanatili sa final position para sa Western Conference play-in tournament sa huling 10 games sa regular season.

Humataw si Giannis  Antetokounmpo ng 31 points at may 23 markers si Brook Lopez na nai­mintis ang isang turnaround jumper sa pagtunog ng final buzzer para sa Milwaukee (40-31).

Matapos makumpleto ni Kyle Kuzma ang isang four-point play para sa 105-103 abante ng Bucks ay kumonekta si Durant ng triple sa huling 26.2 segundo na nagtaas sa Suns sa 106-105.

Ipinasok ni Lopez ang isang free throws sa natitirang 10.7 segundo na nagtabla sa Milwaukee sa 106-106 kasunod ang game-winning jumper ni Booker para sa Phoenix.

Sa Orlando, umiskor si Franz Wagner ng 32 points at may 30 markers si Paolo Banchero sa 118-106 paggiba ng Magic (34-38) sa Los Angeles Lakers (43-28).

Sa Boston, kumo­lekta si Jayson Tatum ng 25 points, 7 rebounds at 8 assists bago nagkaroon ng right ankle injury sa 113-95 panalo ng nagdedepensang Boston Celtics (53-19) sa Kings (35-36).

Sa Denver, kumamada si Coby White ng 37 points sa 129-119 pagsapaw ng Chicago Bulls (32-40) sa Nuggets (45-28).

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->