^

Pang Movies

Neri, nagamit ang pagiging ‘Most Wanted Criminal!’

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Neri, nagamit ang pagiging �Most Wanted Criminal!�
Neri Naig.
STAR/ File

Nakakaloka talaga ang pinagdaanan ni Neri Naig na misis ni Chito Miranda.

Hindi nga rin daw niya inakalang mapapasama siya sa Most Wanted sa bansa natin.

Paano nga naman daw siya magiging wanted, hindi naman daw siya nagtago at lagi lang siyang nasa labas.

Hindi raw talaga niya makakalimutan ang nangyari sa kanya.

Ang bongga lang na hindi raw siya nagtatanim ng galit sa kabila ng mga panghuhusga sa kanya.

Meron pa raw na habang nasa kanyang lowest point siya ay ginawa pa siyang content at pinagkakitaan pa. ‘Kaloka.

Ang laki rin ng pasasalamat niya sa mga naniwala at sumuporta sa kanya.

Gaya nga ng sinabi ni Neri ay minsan talaga pakiramdam natin ay hindi tayo pinapansin ni Lord pero hindi natin alam ay sosorpresahin na lamang Niya tayo.

Sa pagdapa raw ni Neri ay unti-unti siyang babangon.

Bongga nga na sa kanya mismo nanggaling na tinawag ang sarili na ‘Your Most Wanted Wais Na Misis.’

Kaya aral na nga sa kanya ang nangyari.

‘Kaloka ‘di ba nagamit pa niya at napagkakitaan ang mga nangyari.

‘Di ba siya ang perfect sample sa kasabihang “when life gives you lemons, make lemonade.”

Bongga.

CHITO

NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with