^

PSN Palaro

Lady Maroons gustong makabawi sa Blue Eagles

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tangka ng University of the Philippines na ilista agad ang unang panalo sa simula ng second round eliminations ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, ngayong araw.

Nakatakdang harapin ng Lady Maroons ang A­teneo de Manila University Blue Eagles sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Adamson University at University of the East sa alas-2 ng hapon.

Naka-puwesto sa No. 5 sa team standings ang UP na may 3-4 karta, galing sila sa panalo kaya nais din nilang masikwat ang two-game winning streak.

Sa huling laro ng Lady Maroons sa first round ng elims ay kinalos nila ang Adamson University Lady Falcons sa limang sets, 25-15, 15-25, 24-26, 25-22, 15-10 matapos silang akbayan nina Irah Anika Jaboneta at Nina Ytang.

Kumana si Ytang ng 20 points, 19 ang inambag ni Jaboneta kaya asahang sila pa rin ang magiging pangunahing armas ng Lady Maroons kontra Blue Eagles.

Makakatuwang nina Ytang at Jaboneta sina Kianne Louise Olango, Joan Marie Monares at Kassandra Doering para mapaganda ang baraha ng Katipunan-based squad.

Kasalo ng Blue Eagles ang Lady Falcons sa sixth place tangan ang tig-2-5 records.

Ibabangga naman ni Ateneo head coach Sergio Velosa sina Lyann Marie Loise De Guzman at Alexis Ciarra Miner para tapatan ang mga kamador ng Lady Maroons.

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->