Mathurin isinampa ang Pacers sa OT win

INDIANAPOLIS - Iniskor ni Bennedict Mathurin ang anim sa kanyang 28 points sa overtime para tulungan ang Indiana Pacers sa 105-99 paggupo sa Brooklyn Nets.
Nagdagdag si Mathurin ng career-high 16 rebounds para sa ikatlong sunod na panalo ng Pacers (40-29) na nakahugot kay Myles Turner ng 23 points, 10 rebounds at 5 blocks.
Nagtala sina Ziaire Williams at D’Angelo Russell ng tig-22 points sa panig ng Nets (23-47) na nalasap ang ika-12 kabiguan sa huling 14 laro.
Kinuha ng Brooklyn ang 52-42 halftime lead bago nakabangon ang Indiana sa third quarter at makahirit ng overtime sa 91-91 matapos ang dalawang free throws ni Mathurin sa huling 14 segundo sa regulation.
Sa extra period ay bumida si Mathurin para sa panalo ng Pacers sa Nets.
- Latest