^

PSN Palaro

TNT lalapit sa korona

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT lalapit sa korona
Muling babantayan ni Stephen Holt ng Ginebra si TNT import Rondae Hollis-Jefferson sa Game 4 ng PBA Finals.
PBA Image

MANILA, Philippines — Maglaro man o hindi si Barangay Ginebra resident import Justine Brownlee ay kaila­ngan pa ring mag­handa ang TNT Tropang Giga.

“Without Jus­tin, somebody is gonna step up, and they are gonna rely on their defense. This is not over by any means, so we have to be ready,” ani Tropang Giga coach Chot Reyes kay Brownlee.

Nagkaroon si Brownlee ng dislocated right thumb sa 6:42 minuto ng third quarter sa kanyang pag-dive para sa loose ball at hindi na nakabalik sa 85-87 kabiguan ng Gin Kings sa Game Three ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup Finals noong Miyerkules.

Hawak ang 2-1 lead sa best-of-seven championship series, pipilitin ng TNT na makalapit sa kanilang ika-11 korona sa pagsagupa sa Ginebra sa Game Four nga­yong alas-7:30 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Para makatabla ang Gin Kings sa Tropang Giga ay dapat humataw sina Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Troy Rosario, Stephen Holt, RJ Abarrientos at Maverick Ahanmisi.

“We don’t view it as an excuse talaga. We still expect to win because this is the championship, wala nang time for excuses,” ani Ginebra assistant coach Richard Del Rosario.

“It’s definitely a big concern. A part of our system revolves around Justin. Warrior naman to si Justin, basta kaya niya, kaunting sakit lang iyan, maglalaro iyan. But again, we don’t know if Justin’s going to play on Friday, or not,” dagdag nito.

Nagkaroon naman si TNT import Rondae Hollis-Jefferson ng sugat sa ibaba ng kanyang kaliwang mata matapos makalmot ni Rosario sa layup nito.

Tinapos ni Hollis-Jefferson ang laro sa kanyang 20 points, 11 rebounds at 8 assists.

PBA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->