^

PSN Palaro

Lady Altas tuloy sa pananalasa

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Lady Altas tuloy sa pananalasa
Tinangkang isalba ni Jamiee Bacolod ng Lady Stags ang bola kontra Lady Altas sa aksyong ito sa NCAA Season 100 women’s volleyball.

MANILA, Philippines — Umariba sa opensa si Jemalyn Menor upang akbayan ang University of Perpetual Help System DALTA kontra San Sebas­tian College-Recoletos, 25-10, 19-25, 25-22, 25-19 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa JRU Gym sa Kalentong, Manila, kahapon.

Kinamada ni Menor ang 21 points para akayin ang Lady Altas sa tagum­pay at ilista ang malinis na anim na panalo at manati­ling mag-isa sa tuktok ng team standings.

Ipinaramdam ng Lady Altas ang kanilang lakas sa unang set nang magtulungan sa opensa sina Menor, Daizerlyn Joyce Uy at Shaila Allaine Omipon, nilimitahan nila ang Lady Stags sa 10 puntos.

Nagising ang Recto-based squad sa second set, pumalag para makopo ang panalo, subalit hindi na rin pinatagal ng Perpetual Help ang laban ng angkinin ang tagumpay sa sets 3 at 4 para tapusin ang laro.

Nag-ambag si Uy ng 15 puntos habang 13 at 12 markers ang binakas nina Omipon at Winnie Bedana para sa UPHSD.

Bumira si Katherine Santos ng 22 points lahat galing sa attacks pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang Lady Stags na nalasap ang ika-2 talo sa limang salang.

NCAA

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with