Blue Eagles ‘di nakalipad sa Lady Bulldogs

MANILA, Philippines — Nagtulungan sa opensa sina Alyssa Solomon at Bella Belen upang akbayan ang defending champion National University sa 25-23, 25-19, 25-15, panalo kontra Ateneo sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City, kahapon.
Nahirang na Best Player of the Game si reigning Finals MVP Solomon matapos umiskor ng game-high 12 points sapat upang matulungan ang NU na ilista ang malinis na dalawang panalo at hawakan ang tuktok ng team standings.
Kumana naman sina star hitters Vange Alinsug ng 10 points at two-time UAAP MVP Belen ng siyam na puntos kasama ang pitong excellent receptions at limang digs para sa Lady Bulldogs na ipinalasap sa Ateneo ang pangalawang sunod na kabiguan.
“Sobrang happy ako, total team effort iyung nangyari today sa game. Hopefully, mag-improve pa iyung team effort ng NU sa mga next game namin,” wika ni Lady Bulldogs head coach Sherwin Meneses.
Napalaban ang San Marcelino-based squad sa first set matapos ang mabalasik na laro ng Blue Eagles na kulang pa sa armas, pero nanatiling matatag ang una upang itakas ang mahirap na 25-23 panalo.
Subalit sa second at third frames ay madali na nilang nakuha ang panalo matapos ang tulungan nina Solomon, Belen, Alinsug at Star setter Lams Lamina.
Sa ikalawang laro, sumosyo rin sa liderato ang University of the Philippines nang igupo ang Far Eastern University, 23-25, 25-23, 25-17, 25-23.
- Latest