James nagkadena ng pang-10 triple-double sa panalo ng LA kontra sa Knicks

NEW YORK - Nagsumite si LeBron James ng 33 points, 12 assists and 11 rebounds para sa kanyang ika-10 triple-double sa season para gabayan ang Los Angeles Lakers sa 128-112 paggupo sa Knicks.
Nag-ambag si Austin Reaves ng 27 points kasunod ang 21 markers ni Rui Hachimura.
Hindi naglaro si center Anthony Davis para sa Los Angeles (28-19) dahil sa kanyang abdominal muscle strain.
Pinamunuan ni Josh Hart ang New York (32-17) sa kanyang triple-double na 26 points, 13 rebounds at 11 assists at may 17 at 16 markers sina Jalen Brunson at Mikal Bridges, ayon sa pagkakasunod.
Sa San Antonio, ipinasok ni Bam Adebayo ang isang 19-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer para sa 105-103 paglusot ng Miami Heat (24-23) sa Spurs (21-25).
Sa Charlotte, nagkadena si Nicola Jokic ng 28 points, 17 assists at 13 rebounds para sa kanyang ika-22 triple-double sa season sa 107-104 panalo ng Denver Nuggets (30-19) sa Hornets (12-34).
- Latest