Doncic sa Lakers; Davis sa Mavs

NEW YORK - Sa isang pambihirang pagkakataon sa NBA history ay dalawang superstar players ang nai-trade sa isa’t isa sa midseason.
Nagkasundo ang Los Angeles Lakers, Dallas Mavericks at Utah Jazz sa isang three-team deal tampok ang palitan nina Anthony Davis at Luka Doncic.
Makukuha ng Los Angeles sina Doncic, Maxi Kleber at Markieff Morris, habang tatanggapin ng Dallas sina Davis, Max Christie at isang 2029 first-round pick.
Samantala, mapapasakamay ng Jazz si Jalen Hood-Schifino, ang 2025 second-round pick ng Clippers at ang 2025 second-round pick ng Mavericks.
“I believe that defense wins championships,” ani Mavericks general manager Nico Harrison sa pagdadala nila kay Doncic sa Lakers para kay Anthony. “I believe that getting an All-Defensive center and an All-NBA player with a defensive mindset gives us a better chance. We’re built to win now and in the future.”
Nalaman ni Lakers superstar LeBron James ang nasabing trade matapos ang panalo nila sa New York Knicks.
Hindi rin ito kaagad nalaman ng 31-anyos na si Davis at ng 25-anyos na si Doncic.
Nagtuwang sina James at Davis sa paggiya sa Lakers sa 2020 NBA championship.
Nagmula rin siya sa isang blockbuster trade sa New Orleans Pelicans noong Hulyo ng 2019.
Ngayong season ay naglista si Davis ng mga averages na 25.7 points, 11.9 rebounds at 3.4 assists per game.
Tumipa naman si Doncic, ang No. 3 overall pick ng Dallas noong 2018 NBA Draft, ng mga averages na 28.1 points, 8.3 rebounds at 7.8 assists per game.
Ngunit dahil sa kanyang calf injury ay hindi pa siya naglalaro simula noong Pasko.
Magtutuos ang Lakers at Mavericks sa Pebrero 25 sa Los Angeles at sa Abril 9 sa Dallas.
Nakatakda ang trade deadline sa Pebrero 6.
- Latest