^

Probinsiya

Trader sakay ng SUV todas sa pananambang

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante makaraang tambangan ng mga armadong lalaki habang sakay ng kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Jaen, Nueva Ecija, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Nueva Ecija Medical Center ang biktimang si Jerry Flaminiano, 52, residente ng Kapitan Pepe Subdivision in Cabanatuan City dahil sa tinamong walong tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, alas-10 ng umaga habang binabagtas ng biktima ang tulay sa Brgy. San Anton, nang dikitan ng mga suspek at agad siyang pinaulanan ng bala.

Bunsod nito, bumang­ga ang sasak­yan ng biktima sa box culvert at mga poste ng kuryente sa Brgy. Imelda (Apo Esquivel).

Agad na rumesponde ang mga pulis sa crime scene at nagsagawa ng hot pursit operation laban sa mga suspek

Inutos din ni Nueva Ecija Provincial Director Col. Ferdinand Germino ang paghihigpit sa lugar at pagsasagawa ng “Oplan Bakod”.

Naging matagumpay ang pagtugis sa mga suspek matapos na agarang maaresto ng Jaen Police sa pangunguna ni PMajor Ernesto Esguerra ang gunman sa ambush na si Sandy Eugenio y Sanchez, 34, ng Brgy. San Vicente, Jaen, Nueva Ecija na nakuhanan pa ng shabu, caliber 45, bala at at ang get-away motorcycle nito.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad