^

PSN Palaro

Hotshots iniligpit ang Bolts para sa playoff

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Hotshots iniligpit ang Bolts para sa playoff
Bumira ng jumper si Mag- nolia forward Ian Sangalang laban kay Nolbert Tor- res ng Meralco.
PBA Image

MANILA, Philippines — Tumiyak ang Magnolia ng playoff para sa No. 8 berth sa quarterfinals matapos gibain ang Meralco, 129-92, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kaha­pon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

“I think we have a good chance,” ani coach Chito Vic­tolero. “Itong chance naman na ibinibigay sa amin, gina-grab lang namin.”

Humakot si import Ricardo Ratliffe ng 31 points at 19 rebounds at may 22 markers si Zav Lucero para sa 6-6 record ng Hotshots katabla ang NLEX Road Warriors.

Nag-ambag sina Ian Sangalang at Mark Barroca ng tig-18 points.

Hihintayin ni Victolero ang re­sul­ta ng laro ng TNT Tropang Giga (8-3) at Rain or Shine Elasto Painters (6-5) kagabi.

Kung mananalo ang Rain or Shine ay maaari si­­lang umakyat sa No. 6, ha­bang ang kabiguan ang magtatakda sa kanila ng Magnolia sa isang playoff game para sa No. 8 spot.

Ang NLEX ang kukuha sa No. 7 dahil sa kanilang superior quotient.

Balewala naman sa Bolts (7-5) ang laro dahil na­kaupo na sila sa No. 5 ka­tapat ang No. 4 Ginebra Gin Kings (8-4) para sa best-of-three quarterfinals.

Hindi pinaglaro ng Me­ralco si import kil Mitchell.

Matapos kunin ang first period, 35-28, ay nagpapu­tok ang Magnolia ng 38 points sa second quarter at pinigilan ang Meralco sa 19 markers para tangayin ang 73-47 halftime lead.

Hindi rin lumamig ang mga kamay ng Hotshots sa paglilista ng 101-75 ka­lamangan sa pagtiklop ng third quarter.

Mula rito ay hindi na nila nil­ingon pa ang Bolts na na­­kahugot kay Raymond Al­mazan ng 23 points.

CHITO VIC­TOLERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->