^

PSN Palaro

Obiena humirit agad ng pilak sa Germany

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena humirit agad ng pilak sa Germany
EJ Obiena
STAR/File

MANILA, Philippines — Mainit na sinimulan ni two-time Olympian EJ Obiena ang 2025 season matapos masiguro ang pilak na medalya sa 2025 International Jump Mee­ting Cottbus na ginanap sa Germany.

Nairehistro ni Obiena ang 5.65 metro upang ang­kinin ang pilak.

Sinubukan pa ng Pinoy champion na makuha ang 5.75m subalit bigo ito sa kanyang pagtatangka.

Una nang nalampasan ni Obiena ang 5.40m kasunod ang 5.55m at ang 5.65m.

Naibulsa ni Paris Olympics silver medalist Sam Kendricks ng Amerika ang gintong medalya matapos makuha ang 5.75m.

Nagkasya naman sa tanso si Bo Kanda Lita Baehre ng Germany na may parehong 5.65m gaya ng kay Obiena.

Sa katunayan, tatlo silang may 5.65m kasama si Ben Broeders ng Belgium.

Subalit angat si Obiena sa countback para masiguro ang pilak habang lamang din si Baehre kay Broeders sa countback para kunin ang tanso.

Ito ang unang tournament ng world No. 4 na si Obiena sa taong ito matapos ang ilang buwan na pahinga dahil sa injury.

“Back at it after what seems like forever. On the 29th, I’ll be kicking off my indoor season in Cottbus, Germany. I’m excited to be back in the thick of things and to see what’s in store,” ani Obiena sa kanyang naunang post sa social media.

EJ OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with