Ika-4 sunod sinakmal ng Timberwolves
PHOENIX — Bumira si Anthony Edwards ng 33 points at may 28 markers si Julius Randle para pamunuan ang Minnesota Timberwolves sa 121-113 pagkagat sa Suns.
Ito ang ikaapat na sunod na ratsada ng Minnesota (26-21) na nakahugot kay Nickeil Alexander-Walker ng 23 points.
Binanderahan ni Kevin Durant ang Phoenix (24-22) sa kanyang 33 points habang may 28 at 17 markers sina Devin Booker at Bradley Beal, ayon sa pagkakasunod.
Naghabol ang Timberwolves sa halos kabuuan ng laro bago maagaw ang 81-77 abante sa third period patungo sa pagtatayo ng isang 10-point lead sa fourth quarter.
Sa Boston, hinugot ni Kristaps Porzingis ang 26 sa kanyang season-high 34 points sa first half para banderahan ang nagdedepensang Celtics (33-15) sa 122-100 pagligpit sa Chicago Bulls (20-28).
Sa San Antonio, umiskor sina Kawhi Leonard at Norman Powell ng tig- 27 points sa 128-116 paggupo ng Los Angeles Clippers (27-20) sa Spurs (20-24).
Sa Miami, pumukol si Donovan Mitchell ng 34 points at may 22 markers si Ty Jerome sa 126-106 pagtuhog ng Cleveland Cavaliers (38-9) sa Heat (23-23).
- Latest