^

PSN Palaro

Rockets inilusot ni Thompson sa Celtics

Pilipino Star Ngayon

BOSTON — Nagsalpak si Amen Thompson ng isang game-winning floater sa huling 0.7 segundo ng laro para sa 114-112 pagtakas ng Houston Rockets sa nagdedepensang Celtics.

Tumapos si Thompson na may 33 points para sa Houston (31-14) na nakahugot kay Dillon Brooks ng game-high 36 markers tampok ang 10 three-point shots.

Nalimitahan si Fil-Am leading scorer Jalen Green sa 12 points.

Pinamunuan ni Jaylen Brown ang Boston (32-15) sa kanyang 28 points kasunod ang 19 markers ni Jayson Tatum.

Ang layup ni Tatum sa huling 5.3 segundo ng fourth quarter ang nagtabla sa Celtics sa 112-112 kasunod ang game-winning basket ni Thompson para sa Rockets.

Sa Cleveland, tumipa si Darius Garland ng 22 points at may 21 markers si Donovan Mitchell sa 110-91 panalo ng Cavaliers (37-9) sa Detroit Pistons (23-23).

Sa Charlotte, nagposte si Anthony Davis ng 42 points at 23 rebounds sa 112-107 paggupo ng Los Angeles Lakers (26-18) sa Hornets (12-31).

Sa Minneapolis, kumamada si Anthony Edwards ng 23 points at may 20 markers si Julius Randle sa 100-92 paglamon ng Minnesota Timberwolves (25-21) sa Atlanta Hawks (22-24).

Sa Salt Lake City, nag­lista sina Giannis Anteto­kounmpo at Damian Lillard ng tig-35 points sa 125-110 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (26-18) sa Utah Jazz (10-34).

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with