^

PSN Palaro

Road Warriors ayaw isuko ang laban

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Road Warriors ayaw isuko ang laban
Binuhay ng Road Warriors ang kanilang pag-asa matapos talunin ang Rain or Shine Elasto Painters, 122-110, para sa ikalawang sunod na ratsada noong Sa­bado.

MANILA, Philippines — Hangga’t mabibigyan ng pagkakataon ay kukunin ito ng NLEX para makapasok sa eight-team quarterfinal round ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Binuhay ng Road Warriors ang kanilang pag-asa matapos talunin ang Rain or Shine Elasto Painters, 122-110, para sa ikalawang sunod na ratsada noong Sa­bado.

Pinaganda ng tropa ni coach Jong Uichico ang ka­­nilang kartada sa 5-6 ka­­tabla ang Magnolia kasu­nod ang nanganganib na San Miguel (5-7).

“Bago nag-start ‘yung game, sabi ni coach (Uichico), wala nang bukas. So naka-focus lang talaga ka­mi this game,” ani Robert Bolick na nagpaputok ng game-high 40 points sa pa­nalo ng NLEX sa Rain or Shine (6-5).

“Alam namin ‘yung team sa kabila, desperado rin sila. Mas desperado ka­­mi. Kapag isang talo, wa­la na kami. At least, may chance ulit kami,” dagdag ng 32-anyos na scoring guard.

Sunod na lalabanan ng Road Warriors ang Hong Kong Eastern bukas sa Smart Araneta Coliseum para sa kanilang huling elims assignment.

“So ganoon din ang sit­­wasyon namin kagaya nga­yon: must win din kami. Para at least, nandoon ka­mi sa eighth or seventh spot,” wika ng No. 3 overall pick ng NorthPort noong 2018 PBA Draft.

Kagaya ng NLEX, asam din ng Magnolia ang quar­terfinal spot.

Umiskor ang Hotshots ng 107-78 panalo laban sa Eastern noong Linggo para sa kanilang back-to-back wins.

“The goal is to survive. Now we live another day and we will try to prepare again for our next game,” wika ni coach Chito Victolero sa Magnolia na nagmula muna sa 110-104 paggiba sa sibak nang Phoenix.

Nakatakdang sagupain ng Hotshots ang Meralco Bolts (7-3) sa Biyernes.

Kung kapwa mananalo ang NLEX at Magnolia ay paglalabanan nila ang No. 8 spot sa quarterfinals.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with