76ers pinatumba ang Cavs; Blazers wagi sa Hornets

PHILADELPHIA, PENNSYLVANIA - JANUARY 15: Paul George #8 of the Philadelphia 76ers walks to the bench during a timeout against the New York Knicks in the first half at the Wells Fargo Center on January 15, 2025 in Philadelphia, Pennsylvania. The Knicks defeated the 76ers 125-119 in overtime. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and/or using this photograph, user is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement.

PHILADELPHIA — Kumamada si Paul George ng 30 points, habang may 29 markers si Tyrese Ma­xey para banderahan ang 76ers sa 132-129 paggupo sa Cleveland Cavaliers.

Tinapos ng Philadelphia (16-27) ang kanilang se­ven-game losing skid ba­gama’t hindi naglaro si Joel Embiid sa pang-10 sunod na pagkakataon dahil sa kan­­yang left knee injury.

Nagdagdag si Kelly Oubre Jr. ng 22 points.

Ito naman ang pangalawang dikit na kamalasan ng Cleveland (36-8) na na­kahugot kay Donovan Mit­chell ng 37 points, habang tumipa si Ty Jerome ng career-high 33 markers tampok ang walong three-point shots.

Ang ikalawang sunod na triple ni Jerome ang nagbigay sa Cavaliers ng 116-110 kalamangan sa 6:17 minuto ng fourth period.

Ngunit isang 13-0 atake ang inilunsad ng 76ers para ilista ang isang seven-point lead, 123-116, patungo sa ka­nilang tagumpay.

Sa Charlotte, umiskor si Anfernee Simons ng 27 points at may 22 markers si Jerami Grant para akayin ang Portland Trail Blazers (17-28) sa 102-97 pagdaig sa Hornets (11-30).

Nag-ambag si Deni Av­dija ng 18 points at may 13 re­bounds si Dononvan Clingan para sa Portland.

Sa Memphis, bumira si Jaren Jackson Jr. ng 29 points sa 139-126 pagpa­patumba ng Grizzlies (30-15) sa New Orleans Pelicans (12-33).

Show comments