^

PSN Palaro

Tropang Giga may tsansa sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tropang Giga may tsansa sa bonus
Nabangga ni TNT import Rondae Hollis Jefferson si Phoe- nix guard Ricci Rivero.
PBA Image

MANILA, Philippines — Binuhay ng TNT Tropang Giga ang tsansa sa ‘twice-to-beat’ bonus matapos sibakin ang Phoenix, 106-70, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kaha­pon sa Ynares Center sa An­tipolo City.

Itinaas ng Tropang Giga ang kanilang kartada sa 7-3 matapos makabangon mula sa naunang kabiguan sa talsik nang Terrafirma Dyip (1-11).

Umiskor si import Rondae Hollis-Jefferson ng 15 points at may 12 at tig-11 mar­kers sina Roger Pogoy, Calvin Oftana at Kim Aurin, ayon sa pagkakasunod.

“We talked about this be­fore the last game. It’s really hard to play teams that have nothing to lose,” wi­ka ni coach Chot Reyes.

“We wanted to make sure that we go back to who we are, the way we play de­fense,” dagdag ng nine-time champion mentor.

Laglag ang Fuel Masters sa ikaapat na dikit na ka­malasan para sa 3-9 mar­ka.

Kumpara sa pagkatalo nila sa Terrafirma, naging ag­resibo ang TNT sa first half para itayo ang 49-35 halftime lead.

Tuluyan na nilang inilub­lob ang Phoenix sa pagta­tapos ng third period, 78-50, sa pamumuno nina Hollis-Jefferson at Pogoy.

Mula rito ay hindi na ni­lingon ng Tropang Giga ang Fuel Masters na sumama sa bakasyon ng Blackwater Bossing at Dyip.

“Siguro noong last game kasi ang selfish namin, hindi kami nagtutulu­ngan. So Nakita namin nga­yon kung sino iyong ka­ilangang tulungan, tutu­lungan namin,” wika ni Po­goy.

Pinamunuan ni Tyler Tio ang Phoenix sa kanyang 14 points.

TROPANG GIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with