^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas sasalang sa friendly tourney

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas Pilipinas sasalang sa friendly tourney
Gilas Pilipinas head coach Tim Cone.
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Sasalang ang Gilas Pi­lipinas sa friendly tournament sa Doha, Qatar bilang paghahanda sa pagsabak nito sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.

Kumpirmado na ang par­tisipasyon ng Gilas sa 2nd International Friendly Basketball Championship na gaganapin simula Peb­rero 14 hanggang 17 kung saan makakatapat ng tropa ang tatlong teams.

Apat na bansa lamang ang kalahok sa torneo ka­sama ang host nation Qatar, Egypt at Lebanon.

Unang makakalaban ng Pinoy squad ang host Qa­tar sa Pebrero 15 alas-1:30 ng madaling araw (oras sa Maynila).

Susundan ito ng laban ng Gilas kontra sa Lebanon sa Pebrero 16 bago sa­gupain ang Egypt sa Peb­rero 17.

Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na ma­laking tulong ito para sa kaniyang bataan upang ma­ibalik ang chemistry ma­tapos ang ilang buwan na pagkakahiwalay.

Malaking kakulangan din ang pagkawala ni big man Kai Sotto na nagtamo ng ACL injury sa Japan B.League noong Disyembre.

Kaya naman ipinasok sa tropa si Troy Rosario ng Barangay Ginebra na sa­nay na rin sa sistema ni Cone.

“His (Rosario) familia­rity with the system should make for a seamless transition,” ani Cone.

Posibleng makapaglaro na rin si Jamie Malonzo.

Pinaghahandaan ng Gilas Pilipinas ang dalawang nalalabing laro sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

GILAS PI­LIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with