Junior Altas puntirya ang unang NCAA championship
MANILA, Philippines — Ang kauna-unahang juniors’ basketball crown ang target ng University of Perpetual Help System DALTA sa pagdribol ng NCAA Season 100 juniors’ basketball tournament sa Pebrero 18.
Kinapos ang Junior Altas sa nakaraang Season 99 matapos matalo sa nagharing Letran Squires.
Matapos ito ay nagkampeon naman ang Perpetual sa NGBL Championship, sa Under Armour Invitational Championship at sa Junior MPBL.
Tinalo ng Junior Altas sa NGBL Finals ang National University Bullpups, ang Mapua Red Robins sa Under Armour at ang Rizal Province (Arellano Braves) sa Junior MPBL.
“We are doing this for our main tournament, the NCAA,” sabi ni Junior Altas head coach Joph Cleopas. “Don’t lose your hunger in each game, focus on the goal and stay hungry.”
Sa pagsalang ng Perpetual sa NCAA Season 100 ay aasahan ni Cleopas sina win towers Lebron Jhames Daep at Aries Borja kasama sina Kelsey Baldoria, Icee Callangan, JD Pagulayan, Jericho Cristino, Jan Roluna, TJ Tabbuan at Lance Nitura.
Ipaparada rin ng Junior Altas sina rookies, Kurt Velasquez, Louie Rosales, Felix Corpuz, Hanz Llupar, Kurt Patalinghug at Renzo Zanoria.
- Latest