Altas hangad ang ‘three-peat’ sa NCAA Season 100 beach volley
MANILA, Philippines — Puntirya ng University of Perpetual Help System Dalta men’s team ang Grand Slam sa paghataw ng NCAA Season 100 beach volleyball tournament sa Pebrero 4 sa Sand Courts ng Subic Bay Freeport Zone.
Sasaluhin ni Klint Mateo ang puwestong naiwan ni reigning MVP Louie Ramirez para makatambal si Jefferson Marapoc sa pagtatanggol ng korona sa ikatlong sunod na taon kasama rin si Dexter Arrozado.
Ang Perpetual Altas ang ikalawang winningest team sa beach volley matapos ang College of St. Benilde na may pitong korona.
Hangad naman ng Junior Altas ni coach Sandy Rieta na mabawi ang titulo sa Junior’s Division na pinagharian ng Emilio Aguinaldo College Brigadiers sa nakaraang NCAA Season 99.
Ipaparada ng Altalettes sina Nathan Ciriaco, JM Regorosa at Kirby Alecida para makuha ang ikaapat na titulo sa beach volley na huling nakuha ng tropa sa Season 94 sa likod nina Noel Kampton, Hero Austria at Louis Gamban.
Isasalang naman ng Lady Altas sina Camille Bustamante, Joanna Denise Lozano at Mika Donig sa women’s category.
Kasalukuyang nag-eensayo ang mga Perpetual teams sa Villa Buenaflor Beach Resort sa Tanza, Cavite bilang paghahanda sa NCAA Season 100.
- Latest