^

PM Sports

HD Spikers mag-iingat sa Galeries Tower

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng Cignal HD ang kanilang kampanya na wala sina key players Ces Molina at Riri Meneses.

Haharapin ng HD Spikers (4-1) ang Gale­ries Tower Highrisers (1-5) ngayong ala-1:30 ng hapon sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon ay magkikita ang nagdedepensang Creamline Cool Sma­shers (4-0) at Capital1 Solar Spikers (1-4) kasunod ang banatan ng Petro Gazz Angels (5-1) at Chery Tiggo Crossovers (4-2).

Hindi na nag-renew ng kanilang mga kontrata sina Molina at Meneses sa Cignal at kasalukuyang nakatengga.

Sina Alas Pilipinas standouts Vanie Gandler at Dawn Macandili ang aasahan ng HD Spikers katuwang sina Jacqueline Acuna, Gel Cayuna, Roselyn Doria at Rochelle Lalongisip katapat sina Julia Coronel, Jewel Encarnacion, Jhoana Maraguinot, France Ronquillo at Andrea Marzan ng Highrisers.

Kapwa natalo ang Cignal at Galeries Tower sa kanilang mga huling laban.

Yumukod ang HD Spikers sa Gazz Angels, 19-25, 21-25, 18-25, habang minalas ang Highrisers sa Crossovers, 28-30, 25-20, 25-19, 16-25, 8-15.

Samantala, hahatawin ng Creamline ang pang-limang sunod na panalo sa pagsagupa sa Capital1.

Nagmula ang Cool Smashers sa 25-22, 28-30, 26-24, 17-25, 15-13 paglagok sa ZUS Coffee Thunderbelles at talo ang Solar Spikers sa Highri­sers sa mga huli nilang laro.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with