Cousins makikipagbakbakan para sa SGA
MANILA, Philippines — Excited na si NBA star DeMarcus Cousins na ilatag ang tikas nito upang tulungan ang Strong Group Athletics sa kampanya nito sa 2025 Dubai International Basketball Championship.
Sumalang na sa matinding ensayo si Counsins kasama ang iba pang imports at mga local players upang mabilis na makabuo ng chemistry lalo pa’t ilang araw na lang bago ito tumulak pa-Dubai.
“I’m excited to get the ball rolling. I’m excited to be here to get along with these guys and figure things out on the floor, build our chemistry build camaraderie,” ani Counsins.
Nagpasalamat din ito sa pamunuan ng SGA sa tiwalang ibinigay sa kanya maging sa mga fans nito na patuloy na sumusuporta sa kanyang career.
Handa si Cousins na ibuhos ang lahat ng kanyang lakas para matulungan ang kanilang tropa na maiuwi ang korona sa Dubai meet.
“Thanks for all the support and love. I’m super excited to be here, super thankful and I’m planning to put up a show for the fans,” ani Cousins.
Maliban kay Cousins, kasama rin sa SGA sina NBA sniper Malachi Richardson, international journeyman Terry Larrier at dating Gilas naturalized player Andray Blatche.
Nakalineup din sina Jason Brickman, Rhenz Abando, Dave Ildefonso, Chris Koon at Gilas Pilipinas naturalized player Ange Kouame.
- Latest