Celtics silat sa Hawks
BOSTON, Philippines — Sinandalan ng Atlanta Hawks ang mainit na opensa ni Trae Young upang silatin ang defending champions Celtics, 119-115 sa overtime kahapon sa 2024-2025 NBA regular season.
Tumikada ang star point guard ng Atlanta na si Young ng impresibong 28 points para tulungan ang koponan na ilista ang 22-19 baraha.
Swabeng sinimulan ng Celtics ang laro matapos makalamang ng 12 puntos pero nagbaba ng mala-king atake ang Hawks at inilioad ang 31-15 lead para makaungos ng apat, 52-48 sa halftime.
Hindi naman basta nagpadaig ang Celtics, pagkatapos ng halftime ay sila naman ang nag-init para maagaw ang unahan at mabawi ang lamang na umabot sa 10 points sa fourth quarter.
Pero naging matatag si Young at ang Hawks para makahirit ng overtime game.
Walang makapigil na Celtics player sa opensa ni Young sa extra period kaya namayagpag ito at akayin ang Hawks sa panalo.
Kahit nalasap ng Celtics ang pangalawang talo sa tatlong laro hawak pa rin nila ang ika-2 puwesto sa Eastern Conference team standings na may 29-13 record.
Sa Los Angeles, umiskor si Donovan Mitchell ng 36 points para akbayan ang Cleveland Cavaliers sa 124-117 panalo kontra Minnesota Timberwolves.
Sa Detroit, nagkamada sina Devin Booker at Kevin Durant ng pinagsamang 71 points para itakas ang Phoenix Suns sa 125-121 panalo laban sa Pistons.
Tumapos si Durant ng 36 puntos, pitong rebounds at limang assists habang umiskor si Booker 35 points.
Sa Indianapolis, tumapos si Tyrese Maxey ng 28 points para tulungan ang Pacers sa 115-102 pananaig laban sa Philadelphia 76ers.
- Latest