^

PSN Palaro

SGA, Thunder pinadapa ang Cavs

Pilipino Star Ngayon
SGA, Thunder pinadapa ang Cavs
Ang layup ni Oklahoma City Thunder guard Shai Gilgeous- Alexander mata- pos makawala kay Cleveland Cavaliers center Evan Mobley.
STAR/ File

OKLAHOMA CITY -- Nagtala si Shai Gilgeous-Ale­xander ng 40 points sa 134-114 pagbugbog ng Thun­der sa Cleveland Cavaliers para magtabla sa tuktok.

Nag-ambag si Lu Dort ng season-high 22 points kasunod ang 19 markers ni Jalen Williams para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Oklahoma City (34-6).

Pinangunahan ni playmaker Darius Garland ang Cleveland (34-6) sa kanyang 20 points, habang nalimitahan si star guard Donovan Mitchell sa walong marka mula sa masamang 3-for-15 field goal shooting.

Kinuha ng Cavaliers ang 12-10 abante bago rumatsada ang Thunder ng isang 22-2 atake para agawin ang 32-14 kalamangan.

Bumira si Gilgeous-Alexander ng 15 points sa nasabing pananalasa ng home team first period.

Tuluyan nang nakalayo ang Oklahoma City sa halftime, 75-49, patungo sa 119-81 pagbaon sa Cleveland.

Sa Sacramento, nagposte si DeMar DeRozan ng 31 points at may 28 markers ni Malik Monk sa 132-127 paggupo ng Kings (21-20) sa Houston Rockets (27-13).

Sa Detroit, kumamada si center Myles Turner ng 28 points, habang may 26 markers si forward Pascal Sia­kam para tulungan ang Indiana Pacers (23-19) sa 111-100 pagpapatumba sa Pistons (21-20).

Sa Washington, bumira si Devin Booker ng 37 points at may 23 markers si Kevin Durant sa 130-123 pagsunog ng Phoenix Suns (20-20) sa Wizards (6-33).

Sa Portland, umiskor si Norman Powell ng 23 points at may 19 markers si James Harden sa 118-89 pag­lunod ng Los Angeles Clippers (23-17) sa Trail Blazers (13-27).

SHAI GILGEOUS-ALE­XANDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with