^

PSN Palaro

E-Painters humirit ng playoff berth

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
E-Painters humirit ng playoff berth
Bumira ng jumper si Rain or Shine import Deon Thompson laban sa NorthPort.
PBA Image

MANILA, Philippines — Tinapos ng Rain or Shine ang dalawang dikit na kamalasan matapos ta­lunin ang NorthPort, 127-107, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kaha­pon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Kumamada si import Deon Thompson ng 25 points, habang nagkuwintas si Adrian Nocum ng 16 markers, 10 rebounds at 7 assists.

Nagdagdag si Leonard Santillan ng 16 points at may 13, 12 at 11 markers sina Andrei Caracut, Anton Asistio at Keith Datu.

Ang panalo ang nagta­as sa baraha ng Elasto Pain­ters sa 6-3 para ma­kakuha ng playoff spot sa eight-team quarterfinal round.

“I think it’s more of our de­fense. Ang taas ng score namin. Sa amin kasi kapag mataas ang score medyo nor­mal sa phase sa amin,” ani coach Yeng Guiao.

“Ang maganda pa rito mayroon kaming seven guys in double figures. Iyon ang hinahabol namin, mag­balanse iyong opensa namin,” dagdag ng seven-time champion mentor.

Laglag ang Batang Pier sa ikalawang sunod na kabiguan para sa 7-3 kar­tada at nadiskaril ang pag­lapit sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Maagang lumamang ang Rain or Shine sa itina­lang 33-18 bentahe sa first period patungo sa paglilista ng malaking 62-44 halftime lead.

Nagawang makalapit ng NorthPort sa 56-64 sa 8:45 minuto ng third quarter mula sa isang 12-2 atake.

Sa likod nina Thompson, Nocom at Caracut ay isang 20-7 bomba ang ini­hulog ng Elasto Painters para iposte ang 23-point lead, 86-63, sa huling 4:12 minuto nito.

Huling nagbanta ang Ba­tang Pier sa 88-100 sa 7:43 minuto ng final canto bago muling maiwanan sa 92-112 sa 5:58 minuto ng la­banan.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with