^

PSN Palaro

Brownlee, Malonzo gumana sa Gin Kings

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Brownlee, Malonzo gumana sa Gin Kings
Ang tirada ni Ginebra import Justin Brownlee laban kay Blackwater center Jewel Ponferrada.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nadagdagan ang pu­wersa ng Barangay Ginebra sa pagbabalik ni Fil-Am forward Jamie Malonzo.

Naglista si import Justin Brownlee ng 18 points sa 86-63 paglasing ng Gin Kings sa Blackwater Bos­sing sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagdagdag si RJ Abarrientos ng 15 markers at may 10 points si Japeth Aguilar sa pagbalikwas ng Ginebra mula sa naunang kabiguan sa NorthPort para itaas ang kanilang 6-3 baraha at palakasin ang tsansa sa quarterfinals.

Bagsak ang Blackwater sa ikaapat na dikit na talo para sa 1-7 marka.

“For Jamie himself, I mean it’s been a long, long road for him. We’ve watched him from the side and have seen the work he has done,” ani coach Tim Cone sa muling paglalaro ni Malonzo matapos ang siyam na buwan.

Nagkaroon ng calf injury ang 6-foot-7 na si Malonzo noong Abril sa kanilang laro ng NorthPort sa Philippine Cup.

Tumapos ang Fil-Am forward na may walong puntos mula sa 2-for-7 field goal shooting at 4-for-5 sa free throw line sa loob ng 10 minutong paglalaro.

Itinayo ng Gin Kings ang 10-point lead, 23-13, sa first period bago nakalapit ang Bossing sa halftime, 32-39.

Pagdating sa third quarter ay kumawala ang Ginebra sa likod ni Brownlee at Troy Rosario para iwanan ang Blackwater sa 63-41 tampok ang two-handed slam dunk ni Malonzo sa 2:37 minuto.

Mula dito inalagaan ng Gin Kings ang kanilang kalamangan hanggang sa final canto.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with